- tí•ki•tí•kipng1:[ST] katas mula sa darak ng palay; sustansiyang nakukuha sa pinawa at gamot sa beriberi2:[Seb] kaláso.
- tí•kiw-tí•ki•wanpng | Bot | [ ST ]:yerba na ginagawâng palamuti sa mga simbahan.
- tik•ládpng | [ Seb ]:sa sinaunang lipu-nang Bisaya, unang tagumpay sa pag-ibig o digmaan
- tik•láypnd:humakbang sa magkakahiwalay na bató kung tumatawid sa putikan o matubig na daan.
- tik•língpng | Zoo:ibon (Gallirallus striatus) na may maikling pakpak, manipis na katawan, mahabàng binti, mahahabàng daliri sa paa, at mahilig tumirá sa tubigan
- tik•líspng | [ Kap Pan Tag ]:basket na malakí ang bibig, maluwang ang pagkalála, at may pares ng taingang hawakan
- tik•lôpnr:nahúli, gaya sa natiklo ng mga pulis.
- tik•lóppng:pagtutupi sa isang bagay upang magkaroon ng higit na maliit na anyo para sa pagsasaayos, pagsasalansan, pagdadalá, at katu-lad na layunin.
- tik•lu•hódpng:nakaluhod na pakiki-usap na mapatawad o makahingi ng pabor.
- ti•kópng | Zoo:ibong kapamilya ng tiklíng (Porzana cinerea)