tí•rik 1: pagtutulos ng kandila; pagtatayô ng tagdan ng watawat, at katulad 2: pagpunta ng itim ng matá sa dakong itaas na halos putî na lámang ang makikíta 3: pag-harang sa ilog o pagbabaklád upang mangisda.
ti•rin•tás 1: pag-lubid ng tatlo o higit pang hibla ng buhok, straw, at iba pa 2: paglalasò o pagtatalì ng buhok na tíla buntot sa batok
ti•ri•rít 1: paggaya sa huni ng ibon 2: sa larong bilyar, katangan ng táko upang masipat ng manlalaro ang batò o putîng bola na malayò sa gilid ng mesa.
ti•rís : ipitin o durugin, karaniwang kuto o maliit na bagay sa pamamagitan ng pagdiin ng kuko ng hinlalakí, o sa pagitan nitó
ti•róng 1: tao na nagkukunwa-ring matapang o makapangyarihan at nananakot sa iba 2: ísdanláwin 3: piráta.