- ti•sàpng1:[Esp teja, tiza] luad na hinurno at ginagamit na pang-atip, pampader, pansahig, at iba pang bahagi ng gusali2:[Esp ateza] maputî at tíla apog na substance na nagagamit na pansulat sa pisara3:sa bilyar, tíla pulbo na karani-wang asul at ipinapahid sa ulo ng tako.
- tí•sakpnd:sun-dutin ng patpat; dutdutin ng siko.
- ti•sá•lapng | [ ST ]:palayok na may ma-laking bunganga.
- ti•sá•napng | [ Esp ]:tsaang may gamot.
- ti-sí•lawpng | Say | [ Zam ]:popular na sayaw na naglalarawan ng mga ginagawâ ng kababaihan upang bigyan ng babala ang mga mangi-ngisda sa darating na bagyo; bawat mananayaw ay may daláng tatlong ilaw, isa sa ulo, dalawa ang nakapa-tong sa likod ng palad at nakaipit sa hinlalaki at hinliliit.
- Tisiphone (ti•si•fó•ni)png | Mit | [ Ing ]:isa sa mga Puryas.
- tí•sodpng:pagtama ng isang paa sa isang bagay hábang naglalakad o tumatakbo, at dahil doon ay nawa-walan ng panimbang at nasusubsob o nadadapa
- tissue (tís•yu)png | [ Ing ]1:alinman sa mga magkakaugnay na koleksiyon ng espesyalisadong mga cell na bumubuo sa hayop at halá-man2:tissue paper.
- tissue paper (tís•yu péy•per)png | [ Ing ]:piraso ng manipis, malambot, at absorbenteng papel, ginagamit na pampunas, pagpapatuyo, at iba pa
- tis•tíspng1:pag-alis ng himaymay2:paggupit nang paha-bâng piraso o paglaslas mula itaas paibabâ3:pag-opera sa pama-magitan ng paghiwa at pagtanggal ng bahagi ng katawang may sakít upang gumaling
- tí•sukpng | Zoo:malaking pipit1 (Me-galurus timoriensis), halos kahawig ng rakrak-it bagaman doble ang habà ng buntot at karaniwang ma-kikítang nakadapo sa talahib at matataas na damo.
- Titan (táy•tan)png | [ Gri Ing ]1:alinman sa mga anak na laláki nina Uranus at Gaia2:karaniwan sa maliit na titik, tao na may dakilang lakas, talino, o kahalagahan3:isa sa siyam na satellite ng Saturn.
- Titanic (tay•tá•nik)png | [ Ing ]:mala-kíng barko na lumubog sa Hilagang Atlantic hábang naglalayag noong Abril 1912, at nangamatay ang 1,490 pasahero at tripulante.