- tor•mén•torpng | [ Ing ]1:anumang nagdudulot ng hírap o pighati2:estruktura sa magkabilâng tabi ng entablado, upang magsilbing tábing sa mga gilid nitó.
- tor•na•bi•yá•hepng | [ Esp tornaviaje ]:biyaheng balíkan.
- tornado (tor•néy•do)png | [ Ing ]:mala-kas na buhawi.
- tór•na•sólpng:piraso ng papel na tinigmak ng litmus, ginagamit na palatandaan.
- tor•né•opng | Isp | [ Esp ]:pagsubok sa kakayahan ng magkakalaban sa laro sa pamamagitan ng serye ng paligsahan, tulad ng sa chess o tennis
- tor•níl•yopng | [ Esp tornillo ]1:metal na pangkabit, patulis ang puluhan, may paikid na roskas, at ulong may gilit sa gitna, karaniwang ipinipihit nang pabaón sa kahoy o katulad gamit ang destornilyador2:ginagamit na pangkabit o bílang bahagi ng ka-sangkapang pang-ipit, gaya sa clamp, jack, at iba pa
- tór•nopng | Mek | [ Esp ]:mákináng panghubog o pangkinis ng bakal o kahoy
- tó•ropng | Zoo | [ Esp ]:laláking báka (genus Bos)
- to•ró•ganpng | Ark | [ Mrw ]:bahay na malakí at punô ng dekorasyon, nagsi-silbing tirahan ng pamilya ng sultan; ang sentrong tampok na arkitektura sa anumang nayon o pamayanan ng Maranaw.
- tor•pé•dopng | Mek | [ Esp ]1:malakí, hugis sigarilyo, kusang sumusulong sa tubig, naglalamán ng pampasa-bog, at ibinubunsod laban sa mga kaaway mula sa submarino, at iba pa2:alinman sa mga pampasabog na kasangkapan na ginagamit sa mga mina, sa ilalim ng dagat, at iba pa.
- torque (tork)png | Mek | [ Ing ]:anumang lumilikha o nakalilikha ng tensiyon, torsiyon, o rotasyon.
- torrent (tó•rent)png | [ Ing ]1:mabilis na agos ng tubig, lava, at katulad2:malakas na pagbuhos ng ulan.
- torrid (tó•rid)pnr | [ Ing ]1:tuyông-tuyô o nakapapasò ang init2:sob-rang init o tuyông-tuyô ang klima, panahon, hangin, at iba pa3:punô ng emosyon, hal torrid na halik.
- tor•sálpng | [ Esp torsal ]:pilipit na sedang kordon
- tor•síl•yopng | Zoo:uri ng barakuda (Sphryraena jello), lumalakí nang hanggang 1 m mahabà at payat ang katawan, malakí ang bibig, matulis at malakas ang ngipin, kulay abo ang itaas ng katawan, at putî ang tiyan