• ta•bud•lò

    png | [ War ]
    :
    kanin na may halòng lamáng-ugat at gatâ

  • ta•búd•yos

    png | Zoo | [ Bik ]

  • ta•búd•yos

    pnr | [ Seb ]
    :
    hugis silindro

  • ta•bu•gí

    png | Ana | [ ST ]
    :
    dulong bahagi ng puwit

  • ta•bú•gok

    png | Bot
    :
    patólang gúbat

  • ta•bu•káw

    png | Med | [ ST ]
    :
    isang uri ng tigdas

  • ta•bú•kol

    png | Psd | [ Ilk ]
    :
    uri ng lambat sa pangingisda

  • ta•bu•la•dór

    png | [ Esp ]
    1:
    tao o bagay ng gumagawâ ng tablero
    2:
    mekanismo ng makinilya na ginagamit sa tabulasyon

  • tá•bu•lá rá•sa

    png | [ Lat ]
    1:
    isip na hindi pa naaapektuhan ng anumang karanasan, impresyon, at katulad
    2:
    anumang umiiral nang walang pagbabago sa orihinal at dalisay na kalagayan

  • ta•bu•las•yón

    png | [ Esp tabulación ]

  • tabulator (tab•yu•léy•tor)

    png | [ Ing ]

  • ta•bú•log

    png | Zoo
    :
    munti at makintab na mollusk o kabibe

  • ta•búl-ta•búl

    png | Zoo | [ Bik ]

  • ta•bum•bóng

    png
    1:
    malágong na tunog, karaniwang maririnig sa yungib o tunnel
    2:
    de-kuwerdas na instrumentong kawayan ng mga Agta sa Bataan

  • ta•bú•ngaw

    png | [ Ilk ]
    :
    sombrerong gawâ sa pinatuyông kalabasa

  • ta•bung•búng

    png | Mus | [ Cha ]
    :
    instrumentong tíla kudyapi, yarì sa kawayan, at may dalawang kuwerdas

  • ta•bung•gók

    png | Mus
    :
    regular na ritmo ng agung

  • ta•bu•nók

    pnr | [ Seb ]
    :
    matabâng lupa

  • ta•bu•nón

    pnr | [ Hil Seb ]

  • ta•bú•ray

    png | [ Ilk ]
    :
    laro ng pagsasaboy ng buhangin sa isa’t isa