tab•lé•tas : isang maliit at solidong bagay na nagtataglay ng sinukat at siniksik na dami ng substance, lalo na sa gamot o droga
tabloid (táb•loyd) 1: páhayagáng may limang kolum ang bawat pahina, at may súkat na kalahati ng karaniwang broadsheet 2: páhayagáng nagtatampok sa sex at krimen, karaniwang nagtataglay ng maraming larawan at nang-aakit ng mga mambabasá sa pamamagitan ng sensasyonalismo
tá•bog 1: gálit na may halòng pagmumura at pangangatal 2: gálit na may halòng pagmumura at pangangatal 3: uri ng ilahas na punò ng igos 4: uri ng ilahas na punò ng igos 5: pilápil1
ta•bók 1: balde o bumbong ng kawayan na tíla balde 2: punongkahoy (Chaetospermum glutinosum) na tumataas nang 10 m, may matinik na katawan, tatluhang dahon, mabangong bulaklak, at may bungang kulay lungti, magaspang, biluhabâ, mabutó, at nababálot ng mahimaymay na balát
tá•bol 1: hangin sa tiyan na lumilikha ng kakaibang tunog ka-pag tinapik 2: pagpapakulo ng pulut-pukyutan at tubâ