u•lós 1: anumang matulis na bagay na ginagamit na pansibat o pansaksak 2: ang akto o halimbawa ng paggamit nitó 3: ginagamit upang tumukoy sa pagpapasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae 4: pagiging lubog sa tubig ng harapan o likuran ng bangka
u•lót 1: pag-aalok na paglabanin ang dalawang tandang o ang mis-mong paraan ng pagpapagalit upang magsabong ang dalawang tandang 2: paghimok na lumahok sa isang hindi nilalayong gawain 3: kápitbáhay
u•ló-u•ló 1: butetè 2: uri ng laging-lungting punongkahoy (Osmoxylon eminens), 7 m , , ang taas, may bulaklak na matingkad na da-landan, at may 22 specie nang natatagpuan sa Filipinas
úl•ser : pamamagâ ng panlabas at panloob na rabaw ng katawan at , pagkabulok ng mga tis-sue, pagkakaroon ng nanà, at iba pa
Ultima Thule (úl•ti•má tú•le) 1: rehiyong malayò at hindi kilála o walang pangalan 2: ang hanggahan ng isang bagay na mararating o maabot