u•lóg 1: pagkalog sa basket o ganta upang makapaglagay pa ng dagdag 2: paglipat mula sa isang bayan patungo sa iba 3: pag-alis o pagkawala ng mga naninirahan sa isang pook dahil sa digmaan, salot, at katulad 4: a pook na pinag-niniigan ng mga babae at laláking nása tamang gulang na; pook , na nag-sisilbing ligawán ng mga babae at laláki b pook na tinititigilan ng mga laláki at babaeng walang matuluyan
u•lók 1: pag-udyok sa iba upang maghiganti o gumawa ng bagay na marahas 2: uri ng ibon (Gallinura chloropus) na karaniwang nakikita sa latian