unilateral (yú•ni•lá•te•rál) 1: may kaugnayan sa isang gilid o panig 2: may isang gilid lámang na pinapanigan 3: tumutukoy o bumabagtas sa isang gilid 4: nakaaapekto sa panig ng isang partido o pangkat 5: ginawâ o isinakatuparan ng isang panig lámang 6: ukol sa kontrata na mangangako ang isang panig kapalit ng aksiyon ng kabilâng panig
union (yún•yon) 1: unyón 2: set na binubuo ng mga ele-ment na dapat kabílang sa kahit isa sa dalawa o higit pang hatag na set
Union of Soviet Socialist Republics (yún•yon ov sóv•yet sów•sya•líst re•páb•liks) : dáting un-yong federal ng labinlimang repub-lika sa Silangang Europa at kanluran at timog Asia na bumuo sa malakíng bahagi ng dáting emperyong Ruso; nabuwag noong Disyembre, 1991
unipolar (yú•ni•pó•lar) 1: aparatong magnetiko at elektriko, nagta-tanghal ng isang uri ng polaridad 2: sa nerve cell, may isang polo o proseso lámang
u•ni•pór•me : magkakatulad na kasuotan ng mga kasapi ng isang pangkat o institusyon, gaya ng sundalo, pulis, mag-aaral, at katulad
u•ni•pór•me 1: hindi nagbabago sa anyo at karakter 2: umaayon sa magkatulad na istandard, batas, at hanggahan 3: hindi nagbabago; tuloy-tuloy 4: sa buwis, batas, at katulad, hindi nag-iiba sa oras o pook
unisexual (yú•ni•séks•wal) 1: ukol sa isang sex o kasarian 2: may stamen o pistil sa lahat ng kasarian
unitarian (yú•ni•tár•yan) 1: sinumang Kristiyano na naniniwalang iisa ang persona ng Diyos 2: sa malaking titik, kasapi ng pangkat na may ganitong paniniwala 3: tagapagtaguyod ng sentralisadong pamumunò