unity (yú•ni•tí) 1: kaisahán 2: bagay na bumubuo ng isang masalimuot na kabuuan 3: ang bílang na “isa” o anumang itinuturing na isa
univalent (yú•ni•vá•lent) 1: monovalent 2: sa chromosome, ang natítiráng walang kapareha sa yugto ng meiosis
universal language (yú•ni•vér•sal láng•gweyds) 1: wikang nagagamit at nauunawaan ninuman at saanman 2: anumang uri ng ekspresyon na ginagamit at nauunawaan o naiintindihan kahit saan, gaya ng musika 3: doktrina na naniniwalang maliligtas ang lahat at makakapiling ng Diyos
universal recipient (yú•ni•vér•sal re•sí•pyent) : tao na kabílang ang tipo ng dugo sa pangkat AB, at maaaring tumanggap ng dugo mula sa pangkat ABO
un•lád 1: pagsulong túngo sa higit na mahusay, higit na ganap, o higit na makabagong kalagayan 2: pagsulong sa karunungan, agham, kultura, at iba pang aspekto ng sibilisasyon
unleaded (an•lé•ded) 1: sa petrolyo, walang halòng lead 2: hindi natatakpan o tinimbang nang may lead 3: sa paglilimbag, walang lead
unnatural (an•ná•tyu•rál) 1: hindi umaayon sa kalikásan 2: a kulang sa likás na damdamin b masyadong matapang o mahinà 3: artipisyál1