ú•ray : uri ng damo na matinik ang punò ng dahon, at karaniwang tumutubò sa mga pook na walang ibang tanim
ur•ba•ni•sas•yón : pagsulong ng isang pook , túngo sa makabagong lungsod; pagkakaroon ng mga katangian ng isang lungsod
urea (yu•rí•ya) : natutunaw at walang kulay na kristalinang nitrogenous compound na nakukuha sa ihi ng mga mammal
urethane (yú•ri•téyn) : kristalinang amide at ethyl carbamate, ginagamit sa paggawâ ng plastik at pintura