u•pô 1: ayos ng tao o hayop na nakalapat ang puwit sa silya, lupa, o anumang bagay na malilikmuan 2: paglikmo sa silya
ú•pod 1: pag-ikli o pagnipis dahil sa malimit na paggamit, gaya sa pag-kaupod ng suwelas ng sapatos o pag-kaupod ng kandila 2: pagkawala ng tulis dahil sa malimit na paggamit, gaya sa pagkaupod ng tasá ng lapis o pagkaupod ng talim ng itak
ú•pong 1: paglalapit ng dalawang bagay upang maghugpong 2: kahoy na inilagay sa bága 3: pagpapasúso sa batà
upper (á•per) 1: higit na mataas; nakatayô sa itaas ng ibang bahagi 2: higit na mataas sa ranggo 3: ukol sa dibisyong estrati-grapiko, deposito, at panahon, higit na batà o bago at karaniwang malapit sa rabaw
upper (á•per) 1: bahagi ng , sapatos na tumatakip sa paa 2: gamot na may narkotikong epekto, hal amphetamine