ú•kol 1: paglalaan ng anuman sa isang natatanging bagay 2: panahon na pinaglalaanan ng isang bagay 3: anumang nararapat sa isang tao o bagay
ú•kop 1: pagsasaayos sa tamang panahon, gaya ng salapi para sa utang at pagtatagpi sa sirà o bútas ng damit 2: pagyupyop ng inahin sa kaniyang mga sisiw
uk•ya•bít, uk•yá•bit : pag-akyat na karaniwang kamay at paa ang ginagamit, gaya ng pag-ukyabit sa punò ng niyog
u•lá•bat 1: harang sa pinto, karaniwang lampas tuhod ang taas upang hindi makalabas ang batàng nagsisimula pa lámang maglakad 2: pagtayô at paglakad ng mga batà sa pamamagitan ng pangungunyapit sa bawat mahawakan