- u•hóypng | [ ST ]:sa Laguna at sa mga Tinggian, salita ng pagtatawagan ng mga magkauri at magkakilála, katumbas ng “Oya” sa Maynila.
- u•kàpng1:anumang mababaw at maliit na hukay sa rabaw ng isang bagay2:GINTÁANG, GÚAB, GULÓT3, HÚLAB, LÚKAB, LÚKIB, LUNGÁG, MORÍMOR, NGÍBNGIG, ÚKIT1
- u•kâpnr:may ukà
- ú•kabpng:malakíng kagat o ukà, karaniwan sa mga bilóg at malakíng bungangkahoy
- ú•kangpng1:kawalan ng gana sa pagtatrabaho2:[ST] kilos na mabagal, karaniwang dulot ng edad
- u•kâ-u•kâpnr:maraming ukà
- ú•kay-ú•kaypng | Kom:tipong tiyangge o baratilyo ngunit karaniwang mga segunda mano ngunit imported na produkto ang ipinagbibilí at malimit na nakatambak at kailangang halukayin ng mga bumibilí
- uk•bítpng | [ ST ]:pandekorasyong sintas o laso na isinusuot nang paalampay sa balikat o nang paikot sa baywang na may palamuting ginto
- uk•bótpng | [ ST ]1:pag-upo nang nakatalungko2:pagpapalipas ng oras nang walang ginagawâ
- u•kil•kílpng | [ ST ]1:mapilit na pag-uusisa o pagtatanong2:paggigiit na tanggapin ang isang bagay na iniaalok o ipinakikiusap
- u•kí•yo-épng | Sin | [ Jap ]:sining ng pag-pipinta at paggawâ ng print sa Japan noong mga siglo 17-19
- uk•lítpng | [ ST ]:pagkuha ng pagkain sa pamamagitan ng tukâ