wa•kás 1: ang panghulíng bahagi ng anuman, lalo na sa isang yugto ng panahon, isang gawâin, o isang salaysay 2: pagliliwanag ng langit 3: paglilibing o pakikipaglibing sa patay
wa•ká•wak 1: pagkapadpad sa isang pook nang hindi namamalayan 2: paghahasik ng patabâ 3: a pagkasadlak sa kasawian b destiyero1
wake (weyk) 1: lámay1 2: landas na nalilikha sa tubig kapag dumaraan ang mga sasakyang-dagat 3: palatandaan na naiwan ng lumipas
wa•kí•wak 1: pagtataás1, gaya ng pagtataas ng bandilà sa tagdan, pálo ng layag, at katulad 2: wagayway
wak•sí 1: mahulog mula sa kamay 2: maghati tulad ng mga tagapagmana sa mamanahin 3: tumulong, gaya sa kawaksi 4: ipagpag ang basâng kamay para matuyo 5: tanggihan nang marahas ang isang tao o bagay 6: limutin o layuan