- xeroderma (zé•ro•dér•ma)png | Med | [ Ing ]:labis na panunuyô ng balát
- xerograph (zé•ro•gráf)png | [ Ing ]:kopyang likha ng xerography
- xerography (ze•ró•gra•fí)png | [ Ing ]:proseso ng paggawâ ng kopya ng nakalimbag, nakasulat, o nakalarawang materyales, mula sa film o papel, sa pamamagitan ng estatikong liwanag at elektrisidad
- xerophilous (ze•ró•fi•lús)pnr | [ Ing ]1:tumutubò o umaangkop sa tuyô at mainit na pook2:nabubúhay sa tuyông pook
- xerophyte (zé•ro•fáyt)png | Bot | [ Ing ]:halámang angkop na mabúhay sa tuyông kondisyon o pook
- Xerox (zé•roks)png | [ Ing ]1:tatak ng mákiná para sa xerography2:sa maliit na titik, nakagawiang tawag sa xerography
- xi (zi)png | [ Gri ]:ang ikalabing-apat na titik ng alpabetong Griyego
- xiphisternum (zi•fís•ter•núm)png | Ana | [ Ing ]:pinakaibabâ sa tatlong biyas ng sternum
- xoanon (zo•wá•non)png | [ Gri ]:sinaunang imahen ng isang diyos, karaniwang gawâ sa kahoy, at pinaniniwalaang mula sa langit
- X-rated (x réy•ted)pnr | [ Ing ]:sa pag-uuri ng pelikula o babasahín, hayagang nagtatanghal ng sex
- X-ray (x-rey)png | [ Ing ]1:anyo ng radyasyong elektromagnetiko, katulad ng liwanag subalit higit na maikli ang habàng-alon at may kakayahang mapasok ang mga bagay na solid2:imaheng likha nitó sa isang potograpikong plaka, lalo na sa pagpapakita ng posisyon ng mga butó, at katulad
- X-ray astronomy (x-rey as•tró•no•mí)png | [ Ing ]:pagmamasid sa mga bagay na pangkalawakan sa pamamagitan ng mga instrumentong sumusúkat sa malakas na radyasyong elektromagnetiko
- X-ray crystallography (x-rey krís•ta• ló•gra•fí)png | [ Ing ]:pag-aaral sa mga kristal at sa estruktura nitó sa pamamagitan X-ray
- xylem (záy•lem)png | Bot | [ Ing ]:tissue ng haláman na dinadaanan ng tubig at sustansiya mula sa ugat
- xylene (záy•lin)png | Kem | [ Ing ]:alinman sa tatlong masebo, walang kulay, magalîng magliyab, nakalalason, at isomerikong likido (chemical formula C6H4(CH3)2), na nakukuha sa alkitran
- xylo- (záy•lo)pnl | [ Ing ]:pambuo ng pangngalan, nangangahulugang kahoy
- xylocarp (záy•lo•kárp)png | Bot | [ Ing ]:bunga na sintigas ng kahoy