• X, x
    png | [ Ing ]
    1:
    ang ikadalawampu’t anim na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na eks sa Ingles at ekis sa Espanyol
    2:
    ikadalawampu’t anim sa pagkakasunod-sunod o serye
    3:
    ikasampu sa pamilang na Romano
    4:
    di-tiyak na bílang ng tao, bagay, at iba pa
    5:
    nakasulat o nakalimbag na representasyon ng titik X o x
    6:
    tipo, gaya ng sa printer, upang magawâ ang titik X o x
  • x (eks)
    png
    1:
    a ang unang di-kilálang kantidad b ang unang coordinate
    2:
    simbolo para sa multiplikasyon o pagpaparami
    3:
    panandang ginagamit sa pagitan ng mga pigura na nagsasaad ng dimensiyon
    4:
    sa pagsusulit, simbolong ginagamit na pananda sa malî
    5:
    sa pelikula, klasipikasyon o simbolo para sa mga manonood na tigulang lámang
    6:
    lagda ng hindi marunong sa dokumentong opisyal
  • xanthic (zán•tik)
    pnr | [ Ing ]
  • xanthic acid (zán•tik á•sid)
    png | Kem | [ Ing ]
    :
    organikong asido na nagtataglay ng pangkat na OCS2H
  • Xanthippe (zan•ti•pé)
    png | [ Gri ]
    :
    asawa ni Socrates
  • xanthoma (zan•tó•ma)
    png | Med | [ Gri ]
    1:
    paninilaw ng balát ng maysakít at pagkakaroon ng madidilaw na pantal
    2:
    ang pantal na dulot nitó
  • xanthophyll (zán•to•fíl)
    png | Bio | [ Ing ]
    :
    carotenoid na may oxygen na matatagpuan sa haláman, at isa sa mga pigment na kasáma sa photosynthesis
  • x-á•xis
    png | Mat | [ Ing ]
    :
    axis na pahalang sa set ng parihabâng coordinate, graph, at katulad
  • X chromosome (x kró•mo•sóm)
    png | Bio | [ Ing ]
    :
    sex chromosome ng mammal na dalawa ang bílang sa babae at isa sa laláki
  • Xe (eks i)
    symbol | Kem | [ Ing ]
  • xeno- (zé•no)
    pnl | [ Ing ]
    :
    pambuo ng pangngalan at nangangahulugang dayuhan, hal xenophobia
  • xenogamy (zé•no•ga•mí)
    png | Bot
    :
    polinisasyon ng stigma sa pamamagitan ng polen ng ibang bulaklak
  • xenograft (zé•no•gráft)
    png | Bio Med | [ Ing ]
    :
    tissue mula sa isang donor na naiiba ang species sa tatanggap
  • xenolith (zé•no•lít)
    png | Heo | [ Ing ]
    :
    ibang uri ng bató na nakabaon sa batóng mula sa bulkan
  • xenon (zé•non)
    png | Kem | [ Gri Ing ]
    :
    di-reaktibong element (atomic number 54, symbol Xe)
  • xenophobe (zé•no•fób)
    png | [ Ing ]
    :
    tao na may xenophobia
  • xenophobia (zé•no•fó•bya)
    png | [ Ing ]
    :
    labis na pagkasuklam o pagkatákot sa dayuhan, at mga bagay na naiiba sa kaniyang kinagisnan
  • xeranthemum (ze•rán•te•múm)
    png | [ Ing ]
    :
    haláman (genus Xeranthemum) na may tuyông bulaklak na kahawig ng daisy
  • xeric (zé•ric)
    pnr | [ Ing ]
    :
    ukol sa o may kaugnayan sa tuyông kaligiran
  • xero- (zé•ro)
    pnl | [ Gri ]
    :
    pambuo ng pangngalan na nangangahulugang tuyô