arrow (á•row) 1: túnod2 2: tandâ na may tulad na anyo, karaniwang ginagamit sa pagtuturo ng direksiyon
ar•se•nál 1: bodega ng armas 2: establisimyento ng pamahalaan para sa pag-iimbak at paggawâ ng armas at bála
Ars gratia artis (árs gra•tí•ya ár•tis) : paglikhang nakaalay lámang sa hilig at kapakanang pansining
ar•so•bís•po : pinakamataas na ranggo ng obispo at namumunò sa isang diyosesis; punòng obispo ng isang lalawigan