ar•tí•ku•ló 1: isang bagay 2: kalákal, karaniwang walang gaanong pagkakakilanlan 3: lathalain sa diyaryo, magasin, o journal 4: tadhanà2 5: a partikular na bahagi b sugnay o bahagi ng dokumento 6: pantúkoy
ar•til•ye•rí•ya 1: malalakíng kanyon at sandatang pandigma 2: sangay ng sandatahang lakas na gumagamit ng mga ito
ar•ti•pis•yál 1: hindi natural; gawâ o ginawâ lámang 2: likha ng sining o punyagi ng tao sa halip na gáling sa kalikasan 3: huwád1
ár•tist 1: tao na may kasanayan sa sining, gaya ng pintor o eskultor 2: tao na may kasanayan sa pagtatanghal sa madla 3: tao na nagpapakíta ng kasiningan at kasanayan sa kaniyang gawain
art noveau (art nu•vów) : estilo ng dekoratibong sining, arkitektura, at disenyo na natatangi sa paggamit ng masalimuot na disenyo at motif batay sa likás at hindi magkakatulad na anyo