bá•rik 1: yerba (Zingiber zerumbet) na may lamáng-ugat, 2 m ang taas ng tangkay, malago ang dahon, may bulaklak na habilog o silindriko, kulay lungtian o pulá, at tíla kono 2: pag-inom ng alak 3: bálok1
ba•ri•ká•da 1: bagay o estrukturang nagsisilbing harang upang pigilan ang pagpasok o paglabas ng anuman, o bilang gabay sa direksiyon, gaya sa trapiko 2: estrukturang pangharang sa mga kalsada upang hindi makapasok ang mga nagpoprotestang ralyista
ba•rí•les 1: sisidlang yarì sa kahoy, matambok ang mga gilid, pabilóg at sapád ang magkabilâng dulo, at may paikot na mga talìng yarì sa kawayan, yantok, o metal 2: tawag sa tao na napakatabâ 3: tawag sa malakíng tambakol