ba•ríl•ya 1: makitid at tuwid na bára, karaniwang yarì sa kahoy o metal 2: kristal na báras na panghalò o pambatí 3: maliit na bareta
ba•rim•báw 1: malaking lambat na pangisda, may palutang sa mga gilid at pabigat sa dakong ilalim 2: paágang
baritone (bá•ri•tówn) 1: pangalawang pinakamababàng tinig pang-awit ng lalaki 2: mang-aawit na may ganitong tinig 3: bahaging sinulat para rito 4: a instrumentong pangalawa sa pinakamababà ang tunog sa pamilya nitó b tagatugtog ng gayong instrumento
barium (bár•i•yúm) : malambot, putîng metalikong element, karaniwang ginagamit sa paggawâ ng pintura at lason sa dagâ (atomic number 56, symbol Ba)