bas•níg : panghúli ng isda na ginagamit sa tubig na malalim at iniuumang kung gabi, karaniwang may maliwanag na ilaw, lambat, at malaking bangka
ba•sò 1: pagsubok o pagsusuri sa metal upang alamin ang taglay na ginto, pilak, o iba pang sangkap 2: pagsasánay sa pagtudlâ
bá•so 1: sisidlang yarì sa kristal, plastik, o kahoy na ginagamit sa pag-inom 2: palî1 3: pagsubok gawin ang anumang gawain, hal magbáso sa paglangoy
bá•sol 1: pútol ng kahoy na may tulis sa dulo at ginagamit na panghukay sa lupa; baretang kahoy 2: uri ng higad 3: sála1
bá•song-bá•song 1: plumaheng kulay ginto o bagay na gawâ dito na pinaniniwalaang nag-iingat sa mga anito 2: pagmamarunong
bass clef (beys klef) : simbolong nása pang-apat na guhit ng pentagrama, nangangahulugang ang naturang guhit ay katugma ng notang fa sa ilalim ng gitnang C