bay•la•rí•na 1: babaeng mananayaw, báy•la•rín kung laláki 2: mananayaw ng ballet 3: babae na binabayaran upang makipagsayaw sa kabaret
báyn•der 1: malapad na telang gawâ sa goma at garter na ginagamit na pantalì at pambenda sa tiyan ng inooperahan 2: makapal at matigas na salansanan ng mga kuwaderno at iba pang kauri
báyn•ding 1: pantagni o pambigkis, gaya ng pandikit, pantahi, at pabalat ng aklat 2: proseso ng pagbigkis at pagtagni, gaya ng perfect binding at Smythesewn
bay•níl•ya 1: uri ng orkidya (genus Vanilla) na may bunga na pinagkukunan ng katas na ginagamit na pampalasa at pampabango, katutubò sa tropikong Amerika 2: bunga o butó nitó 3: katas na mula sa bunga nitó 4: malabutóng kapsula ng ganitong haláman 5: pampalasang gawâ mula sa kapsula nitó
ba•yó 1: durugin sa malakas at ulit-ulit na pukpok, gaya sa pagbayo ng palay 2: igupo sa pamamagitan ng malakas na palò o suntok 3: pitpitin ang lupa gamit ang pambayo