ba•yóg 1: sa sinaunang panahon, isang hungkag na katawan ng punongkahoy na isinasabit sa harap ng munisipyo upang magsil-bing babalâ o hudyat 2: punongkahoy (Pterospermum diversifolium) na habilog ang dahon, may limang sulok ang balát ng bunga, at nakukunan ng tina ang balát 3: bayúgin3
bá•yok 1: punongkahoy na nakukunan ng himaymay ang banákal at nagagamit na pangkulay ang katas 2: panulaang mabilis na kinakatha ng mga katutubò tungkol sa isang okasyon, pagpuri sa isang tao, at ilang bahagi ng Darangan 3: áwit1 4: sa sinaunang lipunan, laláking nakasuot pambabae at gumaganap na babaylan
bá•yok-bá•yok 1: baging na maligasgas, humahabà nang hanggang 15 m, iginugulay ang muràng talbos, at nakakain ang lamán ng bunga 2: baní2
ba•yó•kon-pá•tong : uri ng malaking susô (genus Helicostyla), kahawig ng kuhol ngunit maputlang ginto ang kabibe, hindi kinakain, at itinuturing na peste dahil nanginginain ng dahon ng haláman