ba•gis•bís 1: malakas na pagbuhos ng likido, gaya ng alak o tubig sa sisidlan o ng malakas na ulan 2: pagtulo ng luha hanggang sa labì
bag•kát 1: asukal na ginawâng arnibal at nagiging matigas at makunat pagkatapos maluto at lumamig 2: malapot na pulut, o pulut-pukyutan na inilutong mabuti 3: pagbiyak sa niyog sa pamamagitan ng pagpalô.
bág•man 1: sa Great Britain, naglalakbay na ahente ng paninda 2: sa Australia, palaboy 3: kolektor o tagapamahagi ng kinita mula sa ilegal na gawain.