ba•gó•ok 1: mabaón nang bahagya mula sa mataas na pagkakalaglag, tulad ng niyog na bagóok sa putikan 2: dagook.
ba•go•óng : napakatagal bago dumatíng o napakatagal naghintay hal nabagoong ang dáratíng na kalakal o nabagoong sa paghihintay.
ba•gót 1: pagkayamot sa isang bagay na nakasa-sawà na sa pandinig o paningin 2: pag-ubos o pag-aksaya sa isang bagay 3: dahon ng isang halámang tubig.
bagpipe (bág•payp) : instrumento na may caña, tinutug-tog sa pamamagitan ng presyon ng hangin mula sa súpot na iniipit ng bisig at hinihipan.
bág•ras 1: galmos 2: punongkahoy (Eucalyptus deglupta), may balakbak na tíla hiblang guhit-guhit na lungti, bughaw, dilaw, at iba pa, at may aromatikong amoy kapag dinurog, katutubò sa Mindanao.
bag•sák 1: pagkalaglag o pagkabuwal na pabigla at napakatindi 2: pagkaalis sa kapangyarihan 3: bangkaróte 4: hindi pagpasá sa pagsusulit o sa anumang kaugnay nitó 5: ubos-tinding pagtatarak o pagpalò ng tulos o haligi para bumaon.