bá•law-bá•law : burong hipon, maliit na isda, o tinapa na sinangkapan ng lugaw, sukà, asin, at iba pang pantimpla
ba•láy 1: báhay1 2: bandilang panagisag sa itaas ng poste 3: kahoy o kawayang may lambat sa dulo at ginagamit sa pagsilò ng ibon 4: isang uri ng pamalò ng mga batà na yarì sa kawayan 5: paglalagay ng mga patpat na nakaayos nang pakrus upang paglutuan ang ibabaw nitó 6: paglalagay ng anuman sa dulo ng isang kahoy o kawayan
bá•lay 1: talaba na mahabà at malapad ang takupis 2: pagbibigay ng hatol para sa pagka-kasundo ng lahat ng mga kasali sa usapin
ba•la•yán 1: malakíng buslo na pinagsasalinan ng lamán ng maliit na buslo 2: ang pagsasalin ng palay mula sa maliit tungo sa malaking sisidlan 3: pag-aangat ng anuman gamit ang dulo ng tagdan
ba•lá•yang 1: uri ng punong-kahoy na pinagkukunan ng tabla 2: baladang pangkasal 3: seremonya sa kasal 4: kakaníng kalamay na makunat at maitim 5: butúan
ba•lay•báy 1: pook kung saan nagtitipon ang mga tao upang magpalipas ng oras hal isang maliit na bahay o isang bukás na pasilyo na walang dingding 2: paghinto sa isang pook upang bantayan ang isang bagay 3: bumagsak na palapa ng palma 4: kuwentuhan o paglilibang pagkatapos ng hapunan o bago matulog 5: sampáy 6: utóng1 7: uri ng makatas na dahon