bal•bás-pu•sà 1: madálang at malambot pang balbas, karaniwan sa baguntao 2: yerba (Orthosiphon aristatus) na madilim na lungtian ang dahon, kaakit-akit ang bulaklak na may korolang payát at kulay putîng lila, at may stamen na mas mahabà sa korola
bal•bát 1: isang tilad na yantok na inilalagay sa bubong sa gawing loob at bumabagtas sa salawag 2: balbág
bál•bu•lá 1: kasangkapang maayos na nagpapadaloy ng likido o gas sa isang lagusan at nagtatakda sa daloy nitó túngo sa iisang direksiyon lámang 2: mahimaymay na bahagi ng isang organ na tumitiyak na dumadaloy ang dugo sa iisang direksiyon lámang 3: kagamitan na nagbabago ng habà ng túbo sa isang tansong intrumentong pangmusika 4: isa sa dalawang takupis ng talaba, tahong, at katulad
bal•dá 1: pagkakaroon ng kapansanan sa katawan 2: pagkukulang sa responsabilidad 3: pagkalinsad sa dapat maging kaayusan 4: patlang sa regular o panayang paggawâ
bal•dá•do 1: labis na napinsala ang katawan o anumang bahagi nitó dahil sa malubhang sakít o aksidente 2: binawasan ang suweldo dahil sa hindi pagpasok sa trabaho