Babylon (báb•i•lón) 1: sinaunang lungsod sa Mesopotamia, kabesera ng Babylonia 2: tawag sa lungsod o pook na sagana sa yaman, rangya, luho, o bisyo.
baccalaureate (bák•a•lór•i•yát) 1: kursong may diploma, karaniwang apat na taon, na ipinagkakaloob ng isang kolehiyo o pamantasan 2: pagsusulit para sa higit na mataas na edukasyon, lalo na sa France at mga paaralang internasyonal 3: sermon o talumpati para sa magsisipagtapos na mag-aaral.
baccarat (bák•a•rá) : laro sa baraha na isang manlalaro ang tumatayông bangka at dalawa o higit pang manlalaro ang tumatayâ laban sa kaniya.
Bachelor of Medicine (bá•tse•lór ov mé•di•sín) : titulo na iginagawad para sa nagtapos ng pag-aaral sa medisina
bacillus (ba•sí•lus) 1: alinmang bakterya na hugis barilya 2: anumang nakapagdudulot ng sakít, gaya ng bakterya at iba.
backgammon (bak•gá•mon) 1: larong mesa na pandalawahan at iginagalaw ang mga piyesa ayon sa hagis ng dais 2: pinakakompletong panalo sa larong ito.
background (bák•grawnd) 1: bahagi ng eksena o larawan na pinakamalayò sa paningin ng manonood; tánáwin sa likuran 2: paligid ng isang bagay na nakikíta o kinakatawan 3: impormasyon o nakaraang sirkumstansiya na nakatutulong upang maliwanagan ang isang pangyayari o sitwasyon 4: mahinàng pagkalat ng sinag mula sa mga isotope na radyoaktibo na nása likás na kaligiran 5: signal na hindi kailangan, gaya ng ingay sa pagtanggap at pagrekord ng tunog.
background music (bák•grawnd myú•sik) : musika o tunog na ginagamit bílang pansaliw sa usapan o aksiyon sa isang dula, pelikula, at katulad.