backspin (bák•is•pín) : pabaligtad na rotasyon ng isang bola na nagiging dahilan ng pagtalbog, paggulong patalikod, o biglang pagtigil nitó.
backstroke (bák•is•trówk) : pahigang langoy, salit ang patalikod at paikot na kampay ng kamay hábang isinisikad ang paa.
backup (bák•ap) 1: tulong na teknikal o moral 2: reserba para sa biglang pangangailangan 3: a ang mismong kopya b paraan ng pagkopya ng datos bílang reserba 4: píla ng mga sasakyan at katulad, lalo na sa masikip na trapiko.
bad 1: masamâ 2: mababàng uri 3: may depekto 4: hindi kaaya-aya; hindi katanggap-tanggap 5: a sa pagkain, bulok at mabaho b sa atmospera, marumi; masamâ sa kalusugan.