ba•yag•bág : hayop na kahawig ng bayáwak (Iguana iguana), malalakí ang binti na may tumpok na tinik mulang leeg hanggang unahang paa
ba•yág-ka•bá•yo : makinis na halámang-baging (Dioscorea bulbifera) na sinlaki ng kamao ang bungang nakalalason kung hilaw ngunit nagaga-mit na gamot sa sipilis, singaw, at pigsa
ba•ya•ís 1: sakim at masamâ ang ugali 2: maligalig, makipag-away 3: balisá dahil sa makipot na kinalalagyan
ba•yak•bák : matigas na punongkahoy at may bungang kahawig ng kumpol-kumpol na bayabas at kinakain lámang ang balát na lasang makopa
ba•yá•kos-pam•bang•kâ 1: malakíng lambat na ayos púkot, gawâ sa sinamay, at iniuumang mula sa bangka 2: sa Pampanga, lambat na panghúli ng hipon
ba•yá•kos-pan•lá•kad : lambat na ayos púkot, hawak ng dalawang tao, at ipinanghuhúli sa hindi kalalimang tubigan