ba•ya•rín : bagay o listahan ng mga bagay na dapat bayaran hal utang, konsumo sa koryente, hinuhulugang kasangkapan
ba•yáw 1: bana ng kapatid o pinsang babae; laláking kapatid o pinsan ng asawa 2: tawagan ng mandaragat na hindi magkakakilála kapag namamalakaya
bá•yaw 1: pahinga1-4 2: búhat 3: angat3 4: dasal para sa kapayapaan ng dalawang baryo o dalawang mangangalakal
ba•ya•wís 1: tao na mahirap pakitunguhan, tao na hindi marunong makisáma 2: nása masamâng kalagayan at kailangang maghigpit ng sinturon