bik•lás 1: gawin nang madalian ang isang bagay 2: putulin o punitin ng dalawang kamay ang isang bagay
bik•lát : nabakbak sa dáting pagkakaayos o kalagayan, hal nabiklát na mga upuan, nabiklát na balát ng saging
bí•ko : kakaning gawâ sa sinaing na malagkit at iniluto sa arnibal, hinaluan ng pirurutong upang magkakulay, at binubudburan ng latik
bí•kos : kasangkapang ginagamit sa pagbibiling o pag-uusad ng troso, gawâ sa malakí-lakíng kahoy na bilóg at may talìng lubid
bík•ti•má 1: tao na tumanggap ng nakasasakít o mapanirang aksiyon mula sa iba 2: tao na naloko ng ibang tao 3: tao o hayop na isinakripisyo 4: buháy na nilaláng na inialay sa isang banal na ritwal