big•tál 1: nabiyak, tulad ng pagkabiyak ng singsing 2: punít 3: tanggal sa pagkakabit, gaya ng bigtal na tabla, kawayang sahig, o pahina ng aklat 4: tastas
big•tás 1: sapilitang pinunit o sinirà ang pagiging buo 2: nagkaroon ng biyak o sirà, gaya ng bigtas na dike o bigtas na damit
big•tí 1: namatay o pinatay sa pabiting pagkakagapos sa leeg 2: hindi makahinga dahil sa pagkakatalì o pagkakasakal 3: isinangkot ang sarili sa kapahamakan
big•wás 1: biglaang suntok o dagok 2: biglaang haltak sa palabigwasan ng pamansing kung bumigat o may isdang kumapit
bí•hag 1: tao na dinakip o hinúli dahil sa digma 2: tao na alipin ng kagandahan, pag-ibig, simbuyo, at iba pa 3: sumiból at muling mabúhay ang mga haláman
bí•hang : imahen na karaniwang inukit sa ubod ng mga ugat ng pakô at tulad ng bulul, pinaniniwalaang bantay sa bahay o pamayanan
bi•há•sa : naging ugali ang isang ulit-ulit o lubhang ikinasisiyáng gawain, hal mamihasa sa pagkaing masarap