bís•ta 1: tanawin, lalo na ang makikíta sa mahabà at makipot na abenida o pasilyo gaya sa pagitan ng mga punò, bahay, o katulad 2: gayong pasilyo o abenida, lalo na ang mga pormal na ipinlano 3: pagdinig sa kaso sa hukuman; pagkakataon na maipahayag ang panig o kaso, pakikinig sa mga ebidensiya at apela sa hukuman
bis•táy 1: salaan na gawâ sa masinsin at makitid na lapát na kawayan at ginagamit upang maihiwalay ang bigas sa ipa, binlid, o darak 2: bahagi ng kiskisan para salain ang darak
bis•táy-pi•na•wà : bistay na madálang ang pagkakalála kaysa bistay-darak at ginagamit upang ihiwalay ang bigas sa ipa at palay