bí•tag 1: patibong na panghúli ng hayop 2: anumang sitwasyon o bagay na inilalagay upang manghúli o magpahamak
bi•tál 1: hinggil sa búhay 2: may kahanga-hangang enerhiya; pagiging buháy na buháy 3: pinagmulan o sanhi ng búhay 4: mahalaga sa búhay 5: mahalaga sa pag-iral, pagpapatúloy, kapakanan, o kabutihan ng isang bagay 6: nakamamatáy; mapanganib sa búhay o balakid sa tagumpay
bi•ta•mí•na : sangkap sa pagkain na mahalaga sa pagpapalusog ng katawan; alinmang pangkat ng organikong compound na mahalaga sa pagpanatili ng kalusugan ng katawan
bi•ta•mí•na A : alkohol na solidong terpene, natutunaw sa tabâ at matatagpuan sa lungti at dilaw na gulay, pulá ng itlog, at katulad, mahalaga sa paglakí, at nagpapalinaw ng mata
bi•ta•mí•na A2 : bitamina na katulad ng bitamina A na nakukuha mula sa isdang-tabáng at langis mula sa atay
bi•ta•mí•na B12 : bitaminang matatagpuan sa pagkaing hayop, gaya ng atay, isda, at itlog at kailangan upang makaiwas sa mabagsik na anemya
bi•ta•mí•na B129 : solido (C63N90N14O14 PC0) na matingkad na puláng kristalina, natutunaw sa tubig, matatagpuan sa atay, gatas, itlog, at lamandagat
bi•ta•mí•na B kóm•plex : mahalagang pangkat ng mga bitaminang natutunaw sa tubig, at may bitaminang B1, B2, at katulad