da•gal•dál 1: mag-utos nang may dahas, tulad ng pagtulak, o malakas na paghagis ng isang bagay na mabigat 2: ingay ng isang bagay na mabigat at hinihila sa isang rabaw
da•ga•nás 1: maingay na pagmamadali 2: ingay ng nagmamadaling yabag 3: maingay na pagkaladkad o paghila
da•gâng bú•kid : uri ng dagâ (Rattus Sp) na naninirahan sa bukid, kumakain ng palay, at nakakain ng tao
da•gâng bun•dók : uri ng dagâ (Rattus rabori) na may magaspang at matinik na balahibo, karaniwang naninirahan sa palayan