da•gâng kós•ta : uri ng dagâ (Rattus Sp) na maikli ang tainga at buntot, may kulay na putî, itim, o kape, karaniwang ginagamit sa mga eksperimentong pang-agham
dá•gat : malawak na tubig alat na bumabálot sa malakíng bahagi ng rabaw ng mundo at pumapalibot sa kalupaan
Dagat Adriatico (dá•gat ad•ri•yá•ti•kó) : isang panig ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng Italy at tangway Balkan