e•le•ba•dór 1: kagamitan na may kadenang nakakabit sa isang kumbeyor at maaaring gamitin sa pagtataas o pagbababâ ng anuman 2: sa gusali, maliit na silid na sina-sakyan ng tao o bagay upang mapabilis ang pag-akyat babâ sa iba’t ibang palapag
e•le•bas•yón 1: larawan ng harapán, tagiliran, o likurán ng gusali at nagpapakíta ng bertikal na anyo ng loob o labas nito 2: proseso ng pag-aangat 3: taas mula sa isang higit na mababàng pook 4: pagbibigay-dangal o pagdakila; pagtaas o pag-asenso ng ranggo 5: sa simbahang Katoliko Romano, opertóryo
electric ray (i•lék•trik rey) : malaki-laking uri ng page (family Torpedinidae) na bahagi ng katawan ang ulo na pabilog, makapal ang maikling buntot, at may malakas na elektrisidad na lumalabas sa ulo at ginagamit para pumaralisa ng biktima at ng kaaway
electrocardiogram (i•lek•tró•kar• dyo•grám) : alàan ng pintig ng puso, iginuguhit ng electrocardiograph