e•lék•tri•pi•kas•yón 1: pagkakarga ng koryente sa isang mákiná o kasangkapan 2: paghahatid ng koryente sa isang pook 3: pagpapasigla at pagpukaw ng damdamin
e•lék•tri•si•dád 1: anyo ng enerhiya mula sa kargadong mga particle tulad ng electron at proton, bílang hindi gumagalaw na natipong karga o dumadaloy na koryente (symbol I) 2: pinagkukunan ng koryente para sa pag-iinit o pag-iilaw 3: kalagayan ng masidhing emosyon o tensiyon
e•lek•tró•di•ná•mi•ká : sangay ng mekanika na may kaugnayan sa koryenteng ginagamit sa pagpapa-galaw ng mga puwersa
e•lék•tro•kus•yón 1: pagbitay sa pamamagitan ng silya elektrika 2: pagpatay o pagkamatay sa pamamagitan ng pagkoryente
e•lek•tró•li•sís 1: paghihiwalay ng isang substance sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng koryente 2: pagtanggal sa tumor, ugat ng balahibo, buhok, at iba pa sa pamamagitan ng koryente
e•lek•tró•mag•né•to : malambot na piraso ng metal na nagagawâng mag-net sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng koryente sa kawad na nakapaligid dito
e•lék•tron : sub-atomic particle na may kargang negatibong elektrisidad, natatagpu-an sa lahat ng atom, at pangunahing nagdadalá ng elektrisidad sa solidong bagay
e•lek•tró•ni•ká : sangay ng pisika at teknolohiya na may kinaláman sa galaw ng mga elektron sa vacuum, gas, semiconductor, at iba pa