em 1: tawag sa titik M sa bagong alpabetong Filipino 2: sa paglilimbag, a. ang orihinal na sukat ng titik M at batayang súkat ng limbag na titik b. ang súkat ng mahabàng gitling
em- : pambuo ng pangnga-lan o pandiwa mula sa salitâng nagsisimula sa b, p, m, at ph, hal embalm, empower
e•mán•si•pas•yón 1: pagpapalaya mula sa legal, politikal, o panlipunang sagabal 2: pagpapalaya mula sa pagkaalipin
ém•ba•há•da 1: opisyal na tanggapan ng embahador 2: embahador at ang mga tauhan 3: tungkulin o katungkulan ng isang embahador
ém•ba•ha•dór 1: pinakamataas na pinunòng diplomatiko ng isang bansa sa ibang bansa 2: tanging sugo o kinatawan ng isang estado sa ibang bansa