ém•bri•yo•lo•hí•ya 1: sangay ng biyolohiya na may kinaláman sa pagkakabuo at pag-unlad ng embriyon 2: -aaral ng pinagmulan, pagkain, at iba pa hinggil sa embriyon
ém•bri•yón 1: hindi pa naisisílang na sanggol o hindi pa napipisâng itlog 2: sanggol na wala pang walong linggo sa sinapupunan 3: halámang nagsisimulang tumubò sa loob ng butó 4: unang yugto o anyo ng isang bagay
em•bú•do : gamit na maluwang ang bibig at may túbo sa ilalim, ginagamit sa pagsasalin ng likido sa bote at iba pang sisidlan
ém•bu•tí•do 1: giniling o , tinadtad na karne at hinaluan ng iba’t ibang rekado tulad ng sibuyas, itlog, pasas, at iba pa, karaniwang hinuhulma o binabálot sa papel na aluminyo 2: puntás