emergency power (i•mér•dyen•sí pá•wer) : kapangyarihang ibinibigay ng kongreso sa Pangulo upang magsagawâ ng mga batas at alituntunin sa panahon ng matinding kagipitan
e•mé•ri•tó 1: retirado mula sa aktibong serbisyo ngunit taglay pa rin ang titulo bílang parangal 2: tinanggal sa serbisyo nang may karangalan
eminence grise (é•mi•néns griz) 1: tao na may kapangyarihan at impluwensiya kahit walang hawak na posisyon 2: lihim na ahente
eminent domain (é•mi•nént do• méyn) : lubos na kapangyarihan o karapatan ng pamahalaan na kunin ang pribadong ari-arian para sa kapakanang pambayan nang may katumbas na kabayaran.