ga•bák 1: malalim ang hukay o malakí ang lubak, karaniwang sa lupa 2: malakí ang sirà, karaniwan ng damit at katulad
ga•bán 1: mahabà at maka-pal na coat na isinusuot sa ibabaw ng ibang damit at , ginagamit kung taglamig 2: pagtatalik ng mga hayop
gá•bang 1: uri ng hinihipang kawayan na nakalilikha ng mataas na tono 2: pagiging , gahól 3: punongkahoy na may balát na gina-gamit upang magkakulay kayumang-gi ang bási
ga•bá•ra : malapad na sasakyang pantubig, sapád ang ilalim, at ginagamit sa pagdadalá ng mga kalakal at iba pang kargamento
ga•bar•dín 1: malambot at matibay na uri ng tela na yarì sa lana, cotton, o rayon 2: kasuotan na yarì sa telang ito
gáb•bang : instrumentong tulad ng xylophone, yarì sa kawayan, may sunod-sunod na eskala, at pinapalò ng maliit na martilyong kahoy