gá•dang : piraso ng kawa-yan o kahoy na ginagamit sa paggawâ ng maliit na hukay sa lupa na tatam-nan ng binhi
Gad•dáng 1: pangkating etni-ko na matatagpuan sa pusod ng Ca-gayan Valley at Silangang bahagi ng Cordillera 2: isa sa mga wika nilá
gad•gád : paliitin ang isang bagay, karaniwang pagkain, túngo sa maliliit na piraso sa pama-magitan ng pagkaskas nitó sa isang gadgaran
gad•gá•dan : isang kasangkapan na ang rabaw ay tadtad ng bútas na may mga gilid na nakatinghas at matatalim, karaniwang gi-nagamit sa paggadgad ng keso, karot, kamoteng-kahoy, at ibang matigas na pagkain