gá•la 1: mga layak na inanod ng bahâ 2: salapi na bigay sa bagong kasal 3: larô1 4: regálo 5: seremonya na sumasayaw ang bagong kasal hábang sinasabitan ng salapi ang kanilang kasuotan
ga•lad•gád 1: paglilibot sa iba’t ibang pook 2: tao na mapaglibot 3: lambat na hinihila nang pasayad sa púsod ng tubigán sa paghúli ng isda o inihahagis nang pasayad sa lupa para sa paghúli ng ibon 4: sa sakla, uri ng tayâ 5: pandurog ng lupa
ga•la•gá•la : isang uri ng bitón na ipinapahid sa panlabas na ding-ding na kahoy ng sasakyang-dagat bílang pampakintab at pampatibay