ga•lál 1: sa sinaunang lipu-nang Tagalog, mga handog sa katalo-na 2: uri ng kamote 3: pag-aayos o paghahanda ng lahat ng kailangan para sa pagtatrabaho
ga•lá•lan : nabibitbit na sisid-lan na gawâ sa hinabing maninipis na patpat ng kawayan o dahon ng bule sa paraang masinsin ang habi gaya ng bayong, o may mga maliit na butas gaya ng basket ngayon
ga•la•máy 1: daliri sa kamay o paa 2: paa, pansipit, o pansakmal ng mga talangka, gagamba, oktopus, at iba pang hayop 3: kaugnay o alagad, lalo na sa lihim na gawain
ga•la•mós 1: kalmot o guhit sa mukha na likha ng kuko, pako, o anumang matulis na bagay 2: walang-ingat o malîng pagbunot ng mga damo sa taniman