ha•lu•bay•báy 1: isdang-tabáng (Sardinella albella) na maliit, may kumpol-kumpol na kaliskis 2: bagoong na gawâ sa dilis
ha•lu•bí•lo 1: pangkat o langkay ng mga tao na maingay ang pag-uusap 2: pakikihalò sa pangkat ng mga tao
ha•lú•ha•lò 1: pag-kaing pampalamig na karaniwang binubuo ng kinuskos na yelo, mga minatamis na bungangkahoy, gatas, at asukal 2: lutòng Tsino na binu-buo ng ginayat na baboy at hilaw na papaya 3: anumang binubuo ng iba’t ibang bagay na pinagsáma-sáma.
ha•lú•kay 1: pagbali-baligtad sa bagay-bagay upang makapaghanap o upang maghalò nang mabuti ang mga ito 2: halungkát.