hamletting (hám•le•tíng) : sapilitang paglilipat ng isang komunidad sa isang pook malapit sa destakamentong militar.
ha•móg 1: mga butil ng tubig mula sa hangin na namuo nang magdamag sa mga dahon ng haláman o iba pang malamig na rabaw 2: baláto o pagbibigay ng baláto.
há•mo-há•mo 1: pagbibigay ng isang bagay para mang-udyok o manlinlang ng iba 2: pagkahilig sa matamis.
há•mok 1: paglalaban hang-gang kamatayan 2: higit na mabagsik o masigasig na paglusob o pagsalungat 3: mano-manong paglalaban 4: multó.