ha•lá•bas 1: mahabà, makináng, at pabalantok na itak na pantabas ng mahahabàng damo 2: pagtabas ng damo 3: hiwa na dulot ng itak o espada.
ha•lab•há•ban 1: inihaw na karne ng hayop na napanalunan sa laro 2: natálong manok sa sábong na napupunta sa nanalo.
Ha•lá! Bi•rá! 1: katagang sina-sambit, karaniwan sa pagdiriwang ng Sinulog, nangangahulugang “Sulong!, Sugod!” 2: Hilahin mo! 3: Suntukin mo!
ha•la•bós 1: pagluluto ng hipon, alimasag, at katulad sa tubig at asin 2: pagsaklot nang minsanan sa nasá harap.
ha•la•bót 1: biglaang pagbunot, gaya ng baril mula sa kaluban nitó 2: paglalabas ng lahat ng mga lamán ng isang lalagyan o kahon.
ha•la•gá 1: ang pagsasa-alang-alang na nararapat sa isang bagay o tao 2: ang bílang o dami ng salapi na inaasahan, kailangan, o ibinigay bílang bayad para sa isang bagay
há•la•gá•han 1: bagay na mahalaga sa búhay; pa-mantayan o sistema ng pagpapaha-laga sa bagaybagay 2: naka-mihasnang paraan ng pagtingin o pagsukat sa halaga ng bagay-bagay
ha•lá•gap 1: tíla duming namu-muo sa ibabaw ng pinakuluang karne at butó var halugap 2: pagkapâ sa dilim hábang naghahanap ng anumang bagay 3: pagsagap sa bulâ at dumi ng sabaw ng pagkain sa pamama-gitan ng malaking kutsara.